Thursday, July 2, 2009

Jj

hiniram ko pic mo, ginawa kong primary sa frendster. Kung galit ka, okay. Kung hindi, may magagawa ba ako? Hahaha.

Ingat lang.

MARS

hindi ka si mars. Hinding hindi ka magiging asiya. Asul pa ang namamayani sa iyong kalawakang maramdamin. may mga puting mapagtampong ulap pa rin. mga masungit na karagatang berde.
hindi ka pa nga nakalalakad sa sirkulong magtatapat man lang sa kanya, 'wag kang mayabang.
Hindi ka pa nga nakakahinga ng walang hininga, 'wag mong ipagmainan ang iyong huwad na kadakilaan.
hindi ka pa nga nakakapag-isip, ipaghahambog mo ng kaya mo nang maghari?

Patikasin mo muna ang iyong bisig upang higit mo akong mayakap, upang higit mong maranasan ang init ng iyong kalagayan. Ibabad mo ang iyong sarili sa dagat ng apoy at lapnusin kay pluto at saka ka mapapansin sa akin o sa kanila.

Gayumpaman,
ikaw pa rin ang aking mundo.

Quote

Kamusta naman ang mahabang panahong pagbablog? ito muna ang babanggitin ko:
"Our greatest fear is not that we are inadequate. Our greatest fear is that we are powerful beyong measure. It is our light, not our darkness, that most frightens us." Actually trulili hindi ako nagsabi niyan, si Marianne williamson. Cool quotation di ba? Wala lang.

Monday, April 27, 2009

hello!kabasag ng ulo ang review! grabe.

Wednesday, April 22, 2009

kamusta naman ako? after more than 2 months na hindi pagsusulat sa blog kong napakahusay, nagbabalik ako. Gumradweyt na ako sa college nung april 1st. Si mar roxas(mr.palengke/senator/bf ni korina sanchez) ang guest speaker namin ng bonggang bongga. Cenxa na wah. Sige lang, abangan ang mga kabaliwan kong kumberlis sa blog na ito. mga tula, essays, et cetera. Go.

attack mars. gelo

hindi ka si Mars. Hinding hindi ka magiging siya.
asul pa ang namamayani sa iyong kalawakang maramdamin.
may mga mapagtampong ulap pa rin.
mga masusungit na karagatang  berde.
hindi ka pa nga nakakalakad sa sirkulong magtatapat man lang sa kanya, 'wag kang mayabang.
hindi ka pa nga makakahinga ng walang hininga, 'wag mong ipagmainam ang iyong huwad na kadakilaan.
hindi ka pa nga nakakapag-isip, ipinaghahambog mo nang kaya mo nang maghari?

patikasin mo muna ang iyong bisig upang higit mo akong mayakap, upang higit kong maranasan ang init ng iyong kalagayaan.
ibabad mo ang iyong sarili sa dagat ng apoy at lapnusin kay Pluto at saka ka magpapansin sa akin o sa kanila.

gayumpaman,
ikaw pa rin aking mundo.

Wednesday, February 11, 2009

the y of my x
gelo

hindi matutumbasan
ng marupok na kaha ang
naarok ng mga bisig.
Gayundin ang tunggalian ng
mapulang labi at sabik
sa sentimetrong pagsagot
ng bawat isa ng walang sagabal.
Kulang ang mga kamay
sa mga balat na naglapat.
Kulang ang pag-iisip upang
Malampasan ang naabot na
pinag-isang kaisipan.
Higit na matanda ang kasaysayan
ng wikang tago at pinaunlad ng pagnanais

dahil may mga bagay na kailanma’y ‘di kayang
ipaliwanag ng siyensya.
Kahit na ikaw pa ang ngayo’y
humahabi ng kasaysayan sa kanya.