Monday, February 9, 2009

Don’t water me.
gelo

Gusto ko ang pagdidilig.
Ang bawat patak ng tubig ay
hininga ng bawat isang dahon.
Ang tubig na tila ba ibinubuhos
nang kagustuhang bumubuhay sa mga
umaasang ugat.
Dahan-dahan at maingat na dumadaloy
sa mga iba’t ibang sanga patungo sa
hindi malaman.
Tatlong beses sa maghapon.
Pinapatid ng dilig ang mga
hikahos nang bulaklak dahil sa
panunuyo ng hari ng himpapawid.

Kung ikaw ang tubig,
at ako ang halaman
ayokong magpadilig.
Hahayaan ko na lamang
mamatay akong hindi makatikim
ng sinag. Mananatiling buto at
matatanggalan ng karapatang
maramdaman ang hangin at
mamunga ng mga prutas.
Hindi ko gustong sakupin mo ang
aking sistema. Ang kung anong meron ako.

Sa iba ka na lamang dumilig,
sa panahong iyon ako tutubo,
aasa sa sustansya ng lupa.
Gusto ko ang pagdidilig,
kung hindi ikaw ang tubig.

1 comment: